Thursday, April 5, 2012

Mahal Na Araw... mahal na pamasahe...

Wala talangang kinalaman ang pamasahe sa ibabahagi ko sa inyo. Magbabahagi lang ako ng mga pangyayari ng  "Mahal Na Araw". April , 2012  to April 8, 2012

Above Picture: Not Mine pero pahiram. Ayan ang website na nagmamay-ari.
1. Palaspas Day
                        Buti na lang meron kaming tanim na halaman na may matutulis na dahon, tipid. Siyempre may design yun. Nang nasa simbahan na kami, edi nasa simbahan na kami. Ng San Lorenzo. Napagtuunan ko ng pansin ang dalawang matanda na negosyante; isang sorbetes na hindi traditional made ang kart at isang nagtitinda ng yakult at mga yosi. Ang sakit sa tenga ng bell ng matandang nagtitinda ng ice cream o tawagin nating Mr.Bell. Sa tulong ng bell, matining kasi at malapit lang sakin. Mas mabenta si Mr.Bell kesa kay Mr.Yasi (tawag ko dun sa nagtitinda ng yakult at yosi). Si Mr.Yasi naman, bihira o konti lang ang batang napagbibigyan ng magulang na bilhin ang yakult pero ang yosi mabenta sa mga kalalakihan. [Tawag Pansin] Mag-ama. Anak ay babae, edad 3-4 siguro na gusto ng yakult habang may hawak na taho. Si tatay ay bibili ng yosi. Non-sense. Pangalawa, siguro ito ay may sense. Dalawang bata na bumibili ng yosi, napag-utusan ng nakatatandang tamad lakarin ang tindang yosi ni Mr. Yasi. Ngayon, sa panahon ngayon. Marami nang bata ang nagyoyosi. I mean, pwedeng ipang dahilan iyon ng bata para lang magyosi at walang paki ang nagtitinda ng yosi at ang manufacturer ng yosi. Period.

2. Lunes Santo TO Miyerkules Santo
                        Natulog, nanood ng T.V., nagbasa ng libro ni idol B.O, nagsulat ng diary, nagtinda ng ice candy, kumain, nagtext, nakinig ng music, nakinig ng pabasa, nakipagkwentuhan kay mama, naligo, nagtutbras, nagbihis, nag*****, nag................

3. Maundy Thursday
                        Nilubos ko na ang kabagutan ko para ihanda for tomorrow. Ang Huwebes Santo ay araw ng pag-aayuno. Ang pag-aayuno ay ang pagtigil sa mga libangan mo o sa mga masasarap mong buhay, sumabay ka sa paghihirap pero iba ang ginawa ko. SUPER taliwas sa tamang pag-aayuno at iyon ang magpaalis ng kabagutan na dapat ay tinitiis ko o dapat e... nagdadasal ako o kaya e tulad ng ginawa ng nanay ko sa simbahan ng Divine na "via cruzes" (tama ba spelling?). Kahit papaano nasunod ang pagkain namin na naaayon sa pag-aayuno at iyon ang pag-isahin ang agahan at tanghalian. Pag-isahin ang merienda at hapunan.

  • 3 1/2 hour ng paglalaro ng computer games sa comp. shop.
  • Nakawalong 5php token para maglaro sa arcade.
Samantalang ang karamihan ay nag-aayuono. Ako nag-alis ng yamot. (Bad)

4. Good Friday
                      O ang Biyernes Santo, after 3pm bawal na maligo. Paniniwala. Araw ng paghihirap ni Kuya Jesus. Kuya tawag ko sa kanya dahil may kanta kami sa choir dati na "Hesus, aking kuya". Pero hindi siguro magkaiba ang ginawa ko sa ginagawa ngayong nasa bahay na nanonood ng mga palabas sa t.v. Ang gulo, iba talaga ginawa ko dahil nasiyahan ako at hindi ayuno yun.

5. Sabado de Gloria at 6. Linggo ng pagkabuhay ay maganda. Tapus na.








['=']CorningEmo