Thursday, August 30, 2012

FaceBook Pictures

Warning: TagLish approaching, ching!


Kagabi ko lamang ito napagdiskasyunan with "me" only. (Mas gusto ko pang makipagkwentuhan sa sarili ko basta walang tao sa paligid, hehe.)

         May crush akong kapitbahay, and you know what NAPAKARAMI NIYANG LITRATO SA FB!!! At iyon ang pinagsimulan ng usapan. Sa sobrang photogenic ng mga babae ngayon, puro na mukha nila ang nakalagay sa virtual albums nila.

        Straight to what I want to say is... Don't put too many pictures/exposures it may cause you harm.

Thursday, August 23, 2012

Massacre. More f*ck in the Philippines.

Ang tanong, bakit maraming patayan, krimen dito sa Pilipinas?


Sagot: Corrupt officials (Higher Level), Coward Authorities (Lower Level). Ang ibig kong patungkulan e.. yung mga bantay.

Napakahina ng seguridad ng Pinas, tanging may mga pera lang ang may pananggalang laban sa mga masasamang loob. Paano yung mga ibang pamilya na less money-pure love?

Kung hindi lang sana sumobra si Marcos edi sana malakas-lakas pa ang mga bantay ng sambayanan. Nawala na ang "curfew law". Display lang ang mga tanod. May gamit pamuksa nga, hindi naman alam gamtin o kaya nakatambak lang.

Oo, maganda ang demokrasya, kaso... resulta ng maraming isyu. HILING KO LANG LAKASAN ANG BANTAY SA LANSANGAN.

----.

Wednesday, August 8, 2012

Hagupit ng Habagat

Ika nga ni Ondoy at Pedring, "namimiling lang si Habagat."

Pero matindi ang hagupit niyang dala, 10 days ata siyang nanalanta dito sa Pinas. Whew.

At dahil tag-ulan maghain tayo ng tsampurado. YAY!

Sana huwag na mag-away yung mga binibigyan ng relief goods. Kagabi lang nanonood ako g balita may nagtutulakan pa. Parang yung nakita ko sa Black Nazareth sa Quiapo na nag-aagawan sa lubid. 

Ang gusto kong ipunto ay nag-aasal hayop "tayo" 'pag sa oras kagipitan. Pwede naman maghati. Grabe.

Pero buti na lang may mga mabubuting loob pa rin ang nagbibigay hindi lang ng pagkain at supplies kundi oras.

The best is yung pagliligtas sa mga alagang hayop.

Buti na lang din may mga NGO at iba pang org. o dept. na tumutulong.

Change topic:

Pagandahan at patibayan ng balsa na daig pa mga rescue boat. Hehe. :D
Kaso may bayad na eh. 50 to 100. Entrepreneur!

Nga pala sa mga residenteng todo tawag sa rescuer na binigyan na ng warning eh di pa umaalis, sana noong binigyan na kayo ng warning eh kumilos na kayo. COOPERATE!

O siya ingat kayo ha. Pray at cooperate nang walang aberya.

Sunday, July 15, 2012

Fliptop Rappers Review (Only the few rappers I've watched)

Pa-English English pa. Basta ito ay sa aking opinyon/ideya lamang.


  • Loonie - Pronto kung bumanat, bira agad   pagkatapos na pagkatapos pa lang ng kalaban.
  • Dello - "Multiplier" turing ko sa kanya kasi kada bato ng kalaban niya may mga 10 na magrereact, 'pag ibinalik niya with the same idea may mga 20+ ang magrereact.
  • Zaito - Gusto niyang magpatawa, ibababa niya sarili niya para lang may matawa. As in. Improve nga eh.
  • Bassilyo/Bassilio - magaling, boses ala Gardo Versoza (spell-check). Sa Dos por Dos ko lang siya nakita at sa FM station sa Youtube.
  • CrazyMixx - gamit ang talento niya sa mabilis na rap. Alas niya yun.
  • Abra - ginagamit ang level niya sa lipunan as in, marunong siyang mag-english, malinis sa katawan, mayaman ata. Tinitira niya yung background ng kalaban.
  • Batas - puro mura pero nananalo, astig noh? Pwede siya mag guest sa Kusina Master.
  • BLKD - hangga't maaari walang mura at hangga't maaari makatang makata. Hehe.
Di ubra ang puro mura, pura kutya na wala sa "ryhme". Hangga't maaari makuha mo lahat ng audience, kahit mapatawa mo yung kakampi ng kalaban mo at huli wag kang garalgal at paos, di kasi maintindihan.




----yun lang po.----

CorningEmo ['=']

Monday, June 11, 2012

POint Blank as in Blangkong punto

Unang tanong: Bakit mas malakas ang kabilang team kesa sa team mo?

Ang totoo, di sila malakas. Meron lang namang silang tinatawag na "strategy". At communication lalo na yung mga clan clan na yan na hindi ako makasali sali at ayokong sumali.

Kasi, may teamwork yung mga kalaban mo. Ikumpara mo sa grupo niyo na sugod lang ng sugod at walang bantay.

Speaking of "bantay" at "communications" meron tayong instant messages, yun yung mga "oh yeah", "affirmative" blah3x.

Kaso, walng pake ang mga newbie, gusto lang makipagbarilan, as in no talk. Kainis, we end up losing  
because of our carelessness. Parang "Banzai!!!!!!!!!" Boom! Dedo na.

Hinanaing po ito ng Point Blank player na si Sicarius666. Hehehe.

Monday, May 14, 2012

"H'wag ipilit kung ayaw."

Aalis kami para ipaenroll pamangkin ko at pupunta ako sa Bulacan State University para kumuha ng classcards.. Gagamitin ko sana yung owner namin pero nang paaandarin ko na, ayaw magstart ng owner. No reaction. Nakapitong susi na ko wala talga. May gasolina namn at ayos namn siya kahapon. Di ko na ginamit. 


-"May dahilan lahat ng bagay." Hindi ako pinahintulutan ng Diyos na magmaneho dahil kulang ako sa tulog at gagmitin iyon pagkailangan lang. 


Kinabukasan, ooperahan na sa mata ang mama ko. Atimano umandar ang owner. Talaga ngang para doon iyon, nakalaan na.


Kaya para sa mga taong naiinis sa panahon o sa mga bagay na hindi nila mahanap o magamit. Huwag kayong mainis. Magpasalamat na lang kayo.


.
.
.
.
.
.
['=']

Thursday, April 5, 2012

Mahal Na Araw... mahal na pamasahe...

Wala talangang kinalaman ang pamasahe sa ibabahagi ko sa inyo. Magbabahagi lang ako ng mga pangyayari ng  "Mahal Na Araw". April , 2012  to April 8, 2012

Above Picture: Not Mine pero pahiram. Ayan ang website na nagmamay-ari.
1. Palaspas Day
                        Buti na lang meron kaming tanim na halaman na may matutulis na dahon, tipid. Siyempre may design yun. Nang nasa simbahan na kami, edi nasa simbahan na kami. Ng San Lorenzo. Napagtuunan ko ng pansin ang dalawang matanda na negosyante; isang sorbetes na hindi traditional made ang kart at isang nagtitinda ng yakult at mga yosi. Ang sakit sa tenga ng bell ng matandang nagtitinda ng ice cream o tawagin nating Mr.Bell. Sa tulong ng bell, matining kasi at malapit lang sakin. Mas mabenta si Mr.Bell kesa kay Mr.Yasi (tawag ko dun sa nagtitinda ng yakult at yosi). Si Mr.Yasi naman, bihira o konti lang ang batang napagbibigyan ng magulang na bilhin ang yakult pero ang yosi mabenta sa mga kalalakihan. [Tawag Pansin] Mag-ama. Anak ay babae, edad 3-4 siguro na gusto ng yakult habang may hawak na taho. Si tatay ay bibili ng yosi. Non-sense. Pangalawa, siguro ito ay may sense. Dalawang bata na bumibili ng yosi, napag-utusan ng nakatatandang tamad lakarin ang tindang yosi ni Mr. Yasi. Ngayon, sa panahon ngayon. Marami nang bata ang nagyoyosi. I mean, pwedeng ipang dahilan iyon ng bata para lang magyosi at walang paki ang nagtitinda ng yosi at ang manufacturer ng yosi. Period.

2. Lunes Santo TO Miyerkules Santo
                        Natulog, nanood ng T.V., nagbasa ng libro ni idol B.O, nagsulat ng diary, nagtinda ng ice candy, kumain, nagtext, nakinig ng music, nakinig ng pabasa, nakipagkwentuhan kay mama, naligo, nagtutbras, nagbihis, nag*****, nag................

3. Maundy Thursday
                        Nilubos ko na ang kabagutan ko para ihanda for tomorrow. Ang Huwebes Santo ay araw ng pag-aayuno. Ang pag-aayuno ay ang pagtigil sa mga libangan mo o sa mga masasarap mong buhay, sumabay ka sa paghihirap pero iba ang ginawa ko. SUPER taliwas sa tamang pag-aayuno at iyon ang magpaalis ng kabagutan na dapat ay tinitiis ko o dapat e... nagdadasal ako o kaya e tulad ng ginawa ng nanay ko sa simbahan ng Divine na "via cruzes" (tama ba spelling?). Kahit papaano nasunod ang pagkain namin na naaayon sa pag-aayuno at iyon ang pag-isahin ang agahan at tanghalian. Pag-isahin ang merienda at hapunan.

  • 3 1/2 hour ng paglalaro ng computer games sa comp. shop.
  • Nakawalong 5php token para maglaro sa arcade.
Samantalang ang karamihan ay nag-aayuono. Ako nag-alis ng yamot. (Bad)

4. Good Friday
                      O ang Biyernes Santo, after 3pm bawal na maligo. Paniniwala. Araw ng paghihirap ni Kuya Jesus. Kuya tawag ko sa kanya dahil may kanta kami sa choir dati na "Hesus, aking kuya". Pero hindi siguro magkaiba ang ginawa ko sa ginagawa ngayong nasa bahay na nanonood ng mga palabas sa t.v. Ang gulo, iba talaga ginawa ko dahil nasiyahan ako at hindi ayuno yun.

5. Sabado de Gloria at 6. Linggo ng pagkabuhay ay maganda. Tapus na.








['=']CorningEmo

Thursday, March 29, 2012

Bakit ako POGI?


Talata ng nangangarap na binata.

Bakit ang pogi ko? Tanong ko sa sarili ko.

Humarap ako sa salamin, at nagtanto. Bakit hindi MASSCOM ang kursong kinuha ko?
Litong tanong sa sarili. Bumabagabag ito sa aking isipan. Talagang ganito na ang aking kapalaran.
Marahil ito'y nakadesenyo na at may patutunguhan.

Alam ko, hindi lang ako ang may ganitong problema kaya tinattagan ko ang sarili ko. Dahil
may mga karamay naman ako.

Aminado ako na habulin ako ng mga babae. Pati rin ng mga binabaeng lalaki. Pero ang sagot ko lang, "gusto ko pang danasin ang kalayaan." Capital Es-Ay-En-Dyi-El-I. Masaya ako roon.

Isang gabi, nanaginip ako. Di daw talaga ako gwapo, isinumpa lang. Dahil raw sa pagtingin ko sa Feng Sui Mirror. Nagising ako. Binangungot ata ako. Gutom lang pala. Kumain ako, "Idol" hotdog, lalo akong napaisip, bakit ako iniidolo ng mga taong di ko naman kilala. At naalala ko, muntikan na kong gulpihin dahil raw gwapo ako. Este muntik na kong pumunta sa heven. "Heven".

One day, nakipag flirt ako sa tsik. May Bf na pala at sumugod sa akin,
(itago natin sa pangalang "tikboy"): Pre, ano ba problema mo?
Ako na gwapo: Problema? Bakit ang pogi ko?

And so on, ang binatang nangangarap ng gising ay nagpatuloy sa kanyang paglalakbay.

*Note: Pogi ako, secret lang natin yun. (opposite, kapal kasi eh.) 
['=']CorningEmo

Wednesday, March 28, 2012

Finals nanaman!

O aral aral na. Wag na muna magkompyuter. Pero ano tong ginagawa ko?! Edi nagtatype para sa blog kahit wala masyadong papansin! Ayus lang yun, pabor ako doon.

End.

Tuesday, March 20, 2012

Essay

Ano ba nag essay? Sabi ni Tol Mikel na aking kaibigan ay "easy short...." di ko na matandaan. Ni-research ko, point of view. Then gagawa na ko. :D

Lucid Dreaming

Topic mula sa sikat na website na 9gag(just for fun), ito raw yung "kaya" mong kontrolin ang panaginip mo. Pero ang totoo pwede itong humantong sa comatose. Dahil paralisado ang buo mong katawan. Ito yung naka stage 4 ang utako mo para matulog pero nakadilat ka, at dahil stage 4 na mkakakita ka ng mga di kanais nais na imahe. kahit siguro mag positive thinking ka. To be continued