Ika nga ni Ondoy at Pedring, "namimiling lang si Habagat."
Pero matindi ang hagupit niyang dala, 10 days ata siyang nanalanta dito sa Pinas. Whew.
At dahil tag-ulan maghain tayo ng tsampurado. YAY!
Sana huwag na mag-away yung mga binibigyan ng relief goods. Kagabi lang nanonood ako g balita may nagtutulakan pa. Parang yung nakita ko sa Black Nazareth sa Quiapo na nag-aagawan sa lubid.
Ang gusto kong ipunto ay nag-aasal hayop "tayo" 'pag sa oras kagipitan. Pwede naman maghati. Grabe.
Pero buti na lang may mga mabubuting loob pa rin ang nagbibigay hindi lang ng pagkain at supplies kundi oras.
The best is yung pagliligtas sa mga alagang hayop.
Buti na lang din may mga NGO at iba pang org. o dept. na tumutulong.
Change topic:
Pagandahan at patibayan ng balsa na daig pa mga rescue boat. Hehe. :D
Kaso may bayad na eh. 50 to 100. Entrepreneur!
Nga pala sa mga residenteng todo tawag sa rescuer na binigyan na ng warning eh di pa umaalis, sana noong binigyan na kayo ng warning eh kumilos na kayo. COOPERATE!
O siya ingat kayo ha. Pray at cooperate nang walang aberya.
No comments:
Post a Comment