Thursday, August 30, 2012

FaceBook Pictures

Warning: TagLish approaching, ching!


Kagabi ko lamang ito napagdiskasyunan with "me" only. (Mas gusto ko pang makipagkwentuhan sa sarili ko basta walang tao sa paligid, hehe.)

         May crush akong kapitbahay, and you know what NAPAKARAMI NIYANG LITRATO SA FB!!! At iyon ang pinagsimulan ng usapan. Sa sobrang photogenic ng mga babae ngayon, puro na mukha nila ang nakalagay sa virtual albums nila.

        Straight to what I want to say is... Don't put too many pictures/exposures it may cause you harm.

Thursday, August 23, 2012

Massacre. More f*ck in the Philippines.

Ang tanong, bakit maraming patayan, krimen dito sa Pilipinas?


Sagot: Corrupt officials (Higher Level), Coward Authorities (Lower Level). Ang ibig kong patungkulan e.. yung mga bantay.

Napakahina ng seguridad ng Pinas, tanging may mga pera lang ang may pananggalang laban sa mga masasamang loob. Paano yung mga ibang pamilya na less money-pure love?

Kung hindi lang sana sumobra si Marcos edi sana malakas-lakas pa ang mga bantay ng sambayanan. Nawala na ang "curfew law". Display lang ang mga tanod. May gamit pamuksa nga, hindi naman alam gamtin o kaya nakatambak lang.

Oo, maganda ang demokrasya, kaso... resulta ng maraming isyu. HILING KO LANG LAKASAN ANG BANTAY SA LANSANGAN.

----.

Wednesday, August 8, 2012

Hagupit ng Habagat

Ika nga ni Ondoy at Pedring, "namimiling lang si Habagat."

Pero matindi ang hagupit niyang dala, 10 days ata siyang nanalanta dito sa Pinas. Whew.

At dahil tag-ulan maghain tayo ng tsampurado. YAY!

Sana huwag na mag-away yung mga binibigyan ng relief goods. Kagabi lang nanonood ako g balita may nagtutulakan pa. Parang yung nakita ko sa Black Nazareth sa Quiapo na nag-aagawan sa lubid. 

Ang gusto kong ipunto ay nag-aasal hayop "tayo" 'pag sa oras kagipitan. Pwede naman maghati. Grabe.

Pero buti na lang may mga mabubuting loob pa rin ang nagbibigay hindi lang ng pagkain at supplies kundi oras.

The best is yung pagliligtas sa mga alagang hayop.

Buti na lang din may mga NGO at iba pang org. o dept. na tumutulong.

Change topic:

Pagandahan at patibayan ng balsa na daig pa mga rescue boat. Hehe. :D
Kaso may bayad na eh. 50 to 100. Entrepreneur!

Nga pala sa mga residenteng todo tawag sa rescuer na binigyan na ng warning eh di pa umaalis, sana noong binigyan na kayo ng warning eh kumilos na kayo. COOPERATE!

O siya ingat kayo ha. Pray at cooperate nang walang aberya.